News

Pulis Serbis Balita January 9-15 2021

PNP, PGH lumagda ng kasunduan para sa
pangangalagang medikal ng mga pulis

Nilagdaan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine General Hospital (PGH) ang isang Memorandum of Agreement para sa tulong medikal at panggagamot sa mgatauhan ng pulisya. Sa simpleng seremonya sa Kampo Crame, lumagda ng Memorandum of Agreement sina PNP Chief Police General Debold M. Sinas at PGH Director, Dr. Gerardo P. Legaspi na nagbibigay ng pangangalagang medikal sa mga pulis na sugatan “in the line of duty” sa pamamagitan ng Letter of Authorization (LOA), na ginagarantiyahan ang pagbabayad ng mga serbisyong medikal na ibinigay sa tauhan ng PNP. Ayon kay Dr. Legaspi, magbibigay ang PGH ng pagsusuri at paggamot mula sa mga interventional cardiac procedures, major operations, hanggang robotic surgery, pati na rin ang paggamit ng kagamitang pang-medikal at pasilidad ngospital, mula sa admission hanggang sa release. Natutukoy ang “Line of duty” status kung ang pulis ay nakikibahagi sa aktwal na operasyon ng pulisya o habanghot pursuit ng mga kriminal at organized crime syndicates; habang nasa pagganap ng official duties mula sa oras ng pag-alis sa kanilang tirahan at sa oras at lugar ng kanilang of trabaho hanggang sa oras ng kanilang pag-alis mula sa trabaho (lugar ng kanilang trabaho). Nagpahayag naman ng lubos na pasasalamat si PNP Chief Sinas sa PGH para sa suporta nito sa mga tauhan ng PNP. 

 


 

Traslacion 2021, ipinagdiwang ng
payapa sa kabila ng pandemya

Naging mapayapa at ligtas para sa mga kababayan nating Katoliko ang ginanap na Traslacion noong Enero 10, 2021 bunga ng paghahanda sa seguridad, sunud-sunod na pagpupulong
at koordinasyon na ginawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ang taunang tradisyon ng prusisyon bilang hudyat sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo ay nakansela dahil sa
pandemya. Sa halip, inilagay sa labas ng balkonahe ng Quiapo Church ang Itim na Nazareno para makita at doon manalangin ang mga deboto.

Sa gitna ng kasalukuyang pandemya, naidaos pa rin ang mga itinakdang misa para sa pagdiriwang ng Traslacion. Kumilos naman sa nasabing pagdiriwang ang mga pulis na na-deploy upang
makontrol ang karamihan ng tao at ipatupad ang minimum at safety health protocols para sa kaligtasan ng lahat ng debotong Katoliko na nagtipon sa Maynila na umabot sa mahigit kumulang 400,000 simula Biyernes hanggang Sabado.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Police Brigadier General Vicente D. Danao Jr., may kabuuang 27,000 unipormadong personnel ang kanilang naipadala upang makipagtulungan at makiagapay
kasama ang Armed Forces of the Philippines, Local Government Units, mga medical team at iba pang katuwang sa peacekeeping upang matiyak ang maximum na kaligtasan at seguridad ng mga mamamayang
nagsipunta mula Biyernes hanggang sa buong araw ng Sabado. Tayo po ay nagdiwang ng kapistahan ng Poong Nazareno sa ilalim ng ating ipinatutupad na new normal. Bagama't marami
sa ating mga deboto ang nanatili sa kanilang tahanan upang magdasal at magsimba, marami pa rin ang dumalo sa araw na ito.


Gayunpaman, nagpapasalamat kami sa kooperasyon at partisipasyon ng bawat isa. Hindi man naiwasan ang pagdagsa ng mga tao, nakinig atsumunod naman ang mga deboto sa mga patakaran at mga paalala na ating inihain sa kanila, kungkaya't sa kabuuan, naging maayos at mapayapa ang selebrasyon ngPoong Nazareno, " ani PBGen Danao.


(NCRPIO-PIO / Isinalin sa Tagalog ni
NUP Loreto B. Concepcion)

 


 

PNP Chief Sinas, nanguna
sa pagbubukas ng isa pang
quarantine facility ng NCRPO

Nagbukas ng isa pang quarantine facility ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na matatagpuan sa Old RDSU compound, Fort Bonifacio, Taguig City.
Pinangunahan ni PNP Chief, Police General Debold Menorias Sinas ang isinagawang ribboncutting at pagbabasbas sa NCRPO Quarantine Facility Bldg D at Enoong Enero 13, 2020.

Sinuri rin ni PNP Chief Sinas ang Nurse Station at Doffing Area sa loob ang naturang compound. Kabilang sa mga dumalo sa nasabing kaganapan sina Police Lieutenant General Guillermo
Lorenzo Eleazar, The Deputy Chief for Administration; Police Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag, The Deputy Chief for Operations; Police Brigadier General Nolasco K.

Bathan, Director ng Health Service; Police Brigadier General Florencio Ortilla, Deputy Regional Director for Administration ng NCRPO; Police Brigadier General
Antonio Yarra, Deputy Regional Director for Operations ng NCRPO; Police Brigadier General Emmanuel Peralta, District Director ng Southern Police District (SPD); at iba pang mga
pangunahing opisyal ng NCRPO at SPD.

Ang nasabing quarantine facility ay para sa mga high-risk direct contact ng virus at maaaring tumanggap ng 54 na pasyente. Ang pagpapalawak ng quarantine facilities ay patuloy na pagsisikap ng PNP

upang matulungan ang pamahalaansa programa nitong mapigil, mabawasan at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa

 


 

PNP, BJMP, BFP: Kontra krimen, terorismo, at iligal na droga

Sa simpleng seremonya kasabay ng traditional Monday Flag Raising sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, pinirmahan ng ama ng hanay
ng Pambansang Pulisya na si Police General Debold Menorias Sinas ang magkakahiwalay na mga kasunduan sa data sharing agreement kasama ang ama ng
hanay ng BJMP, Jail Director, Allan S. Iral at ang ama ng hanay ng BFP, Fire Director, Jose S. Embang, Jr. Alinsunod sa kasunduan, ang PNP at BJMP ay magsasagawa ng
isang naaangkop na programa ng interbensyon para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa ilalim ng pangangalaga ng BJMP para sa collaborative intelligence
planning at assessment skill upang matiyak ang isang estratehiko at koordinadong diskarte sa paglaban sa terorismo at iba pang transnational crimes.
"Kinikilala ng mga pamunuan ng PNP at BJMP ang kahalagahan ng impormasyon na nagmumula sa mga PDL na hindi limitado sa
kanilang mga bio-profile kundi pati na rin ang kanilang mga aktibidad at alyansa na itinatag sa loob at labas ng kulungan. Sa ilang mga kaso na hinawakan ng PNP, ang mga
aktibidad na kriminal ay talagang pinaplano at isinaayos mula sa loob ng mga kulungan ng bilangguan," ang bahagi ng pahayag ni PGen
Sinas. Ang tinutukoy ng Chief, PNP ay mga ilang nakakulong na high-profile drug personalities na patuloy na nagpapatakbo ng kanilang negosyo sa iligal na droga
mula sa loob ng mga kulungan at maging sa National Penitentiary. Ang kasunduan naman sa pagitan ng PNP at ng BFP ay binibigyang diin ang bagong hakbang sa pag-iingat
upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pag-iwas at pagsugpo sa lahat ng mapanirang apoy at upang makilala rin ang mga potensyal na banta sa
kapayapaan at kaayusan. Ang PNP at BFP ay sumangayon na magbahagian ng impormasyon tungkol sa CBRNE (Chemical Biological Radiological
Nuclear Explosive) na nauugnay sa mga pagsisikap kontra-terorismo partikular na ang pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act.


“Ang paglagda ng kasunduan ay nagtataguyod ng mas mahusay na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng PNP, BJMP at ng BFP para sa hinahangad ng ating pamahalaan
na masugpo ang krimen, iligal na droga, katiwalian, at terorismo. Nilalayon nating itaguyod ang mas mahusay na kooperasyon at pagkakaisa at pagsisikap kontraterorismo
at pagbabahagi ng impormasyon,” dagdag ni PGen Sinas.


 

Mga armas ng NPA,

narekober sa Palawan

Narekober ng mga commando ng pulisya ang isang lagayan ng armas at war materials mula sa New People's Army sa hilagang bahagi ng Palawan.


Sinabi ni PNP Chief, Police General Debold Menorias Sinas, nagsagawa ang commando ng 101st Special Action Company ng PNP Special Action Force na
suportado ng Police Regional Office 4B at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines ng recovery operation ng high powered firearms (HPFAs) at war
materials sa Sitio Lanka, Barangay Bintuan, Coron, Palawan noong Enero 9, 2020 bandang alaskwatro ng madaling araw.


Ang nasabing operasyon ay humantong sa pagkakarekober ng dalawang M-16 assault rifles, apat na rifle grenades, magazine assemblies, bandolier at 184 rounds ng bala ng M-16.
"The continuous operations of our troops have resulted to the NPA’s weakened state. The latest confiscation of this cache of high-powered firearms further incapacitates their key
operatives,” ani Sinas habang pinuri ang sunud-sunod na mga pagsisikap sa pagpapatupad ng EO #70 na naglalayong wakasan ang lokal na komunistang armadong pakikibaka.
Nag-ugat ang nasabing operasyon mula sa actionable intelligence na kinalap ng tropa ng pamahalaan ukol sa mga kinarorooanan ng mga lagayan ng aramas at war materials ng
mga NPA sa nasabing lugar. Isasailalim sa procedural ballistics examination ang mga armas upang maukoy kung ginamit ang mga ito sa mga insidente ng krimen.

 


 

PNP Chief, nagsagawa ng Command Visit

and Testimonial Parade sa PNPA

Mainit ang ginawang pagsalubong sa hepe ng Pambansang Pulisya, Police General Debold Menorias
Sinas sa kanyang isinagawang Command Visit at Testimonial Parade sa Philippine National Police Academy (PNPA), Camp Mariano Castañeda, Silang, Cavite noong
Enero 12, 2021 kung saan siya ay binigyan ng Arrival Honors sa pangunguna ni PNPA Acting Director Police Brigadier General Rhoderick C. Armamento.
Pinangunahan ni PNP Chief Sinas kasama PNPA Director ang Groundbreaking Ceremony at Capsule laying ng ipatatayong gusali ng Police Cavaliers Association,
Inc. (PCAI). Ang inimungkahing twostorey building ay magbibigay ng kalidad at komportableng billeting area para sa mga senior officer, dignitaries at iba pang
panauhing VIP. Ito ay may alokasyong Php25 milyon mula sa PNP trust receipts na may kabuuang area na 1,060 square meters at kabuuang lot area ng 2,120 square meters.
Sinundan ito ng Testimonial Parade bilang pagpupugay sa ama ng Pambansang Pulisya.


Ginawaran naman ang mga natatanging miyembro at kadete ng PNPA ng PNP Medalya ng Pagtulong sa Nasalanta (PNP Disaster, Relief and Rehabilitation Medal)
sa kanilang pakikilahok sa pagsasagawa ng pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamayanan ng bagyong Ulysses sa mga probinsya ng Cagayan at Isabela
noong Nobyembre 26 at 27, 2020; at PNP Medalya ng Papuri (PNP Commendation Medal) sa mga kalahok ng 2020 National Moot Court ukol sa International Humanitarian Law sa pangunguna ng
Philippines Red Cross noong Oktubre 20, 2020 kung saan itinanghal na Best Mooter ang PNPA.


Nagbigay naman ng mensahe si PNP Chief Sinas kung saan pinaalalahanin ninto ang mga kadete na maging maingat sa
bawat desisyon o gawain. “Sana ay mas maging maingat tayo sa ating bawat desisyon o anumang gawain
na pwedeng ikasira ng ating pangalan o ng ating organisasyon. ‘Wag sana natingularan ang mga maling gawain ng iba
nating kasamahan lalung-lalo na ‘yung nangyari ‘nung New Year. Choose to be a good person and a role model and set a
good example to your peers,” ani PNP Chief Sinas.


Nagbigay babala din si PNP Chief na hindi nito pahihintulutan ang anumang maling pag-uugali o gawain. “I will not tolerate any misconduct, or abuse of discipline, mga pasaway at mga
atrasado because as a true officer and a gentleman, everybody must act with diligence and professionalism at all times,” pagbibigay diin ni PGen Sinas.


Inaasahan naman ni PNP Chief Sinas ang pagpapahusay sa kasanayan at potensyal ng mga kadete, kilalanin ang kanilang mga sarili at isulong ang disiplina sa sarili. Sinabi naman ng hepe ng Pambansang
Pulisya na agaran at maayos na oobserbahan ang graduating class hanggang sa kanilang huling natitirang mga buwan. Ipinagutos din nito ang regular na pagsasagawa ng random drug testing sa lahat ng mga kadete bilang preventive measure. Bilang pagtatapos, sinabi ni PNP Chief Sinas na mahalaga ang respeto sa nakatataas at dapat itong isinasapuso. Kasama sa mga dumalo sa nasabing aktibidad sina Police Lieutenant General
Cesar Hawthorne R. Binag, The Deputy Chief for Operations; Police Major General Emmanuel Luis D. Licup, The Director for Comptrollership; Police Major General Israel Ephraim T. Dickson, The Director for
Personnel and Records Management; Police Major General Ferdinand O. Divina, The Director for Human Resource and Doctrine Development; Police Major General Angelito A. Casimiro, The Director for Logistics; Police
Major General Rhodel O. Sermonia, The Director for Police Community Relations; Police Major General Dennis P. Agustin, The Director for Research and Development; Police Brigadier General Ildebrandi N.
Usana, hepe ng Public Information Office; Police Brigadier General Felipe R. Natividad, Regional Director ng Police Regional Office 4A at iba pang senior officers.


 

Congratulations sa mga Star-Rank Promotees

PMGen Rhodel O. Sermonia – TDPCR
PMGen Alex B. Sintin – D, NPTI
PBGen Roel B. Acidre – DRDA PRO 13
PBGen Franco P. Simborio – Ex-O, DO
PBGen Joseph D. Plaza – RD, RIAS 4A,IAS
PBGen Rommel Bernardo A. Cabagnot – CRS, NCRPO
PBGen Arcadio A. Jamora, Jr. – Comdt. of Cadets, PNPA
PBGen Raul L. Bargamento – DRDA PRO5
PBGen Celso L. Bael – Ex-O-DI
PBGen Arthur R. Cabalona – Ex-O-DC
PBGen Jose Melencio C. Nartatez, Jr – D, FS
PBGen Eric E. Noble – D, PCADG
PBGen Ulysses G. Cruz – Ex-O, DIPO SL
PBGen Abelardo C. Matillano – D, ES
PBGen Juan B. Añonuevo – Ex-O, DIPO NL

Pinangunahan ni PNP Chief, Police General Debold Menorias Sinas ang isinagawa ang simultaneous mass
oath-taking, donning at pinning of ranks noong ika-15 ng Enero 2021. Nasa 915 Police Commissioned
Officers at 26,783 Police Non-Commissioned Officers ang napromote
sa susunod na mataas na ranggo.


Kush marijuana, nasabat
sa Batangas; 2 suspek, arestado

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang suspek sa isang entrapment sa Lipa City, Batangas matapos tanggapin
ang kontrabandong high-grade kush marijuana mula pa sa United States.

Ayon kay PNP Chief Police General Debol M. Sinas, kinilala ang mga suspek na sina John Yengle Hernandez, may-ari ng Vape Store, 29 taong gulang, at residente ng Banaybanay 1st, San Jose, Batangas;
at si Van Joshua Magpantay, 29 taong gulang, at residente naman ng Barangay 3, Mataas na Kahoy, Batangas. Inalerto ng Bureau of Customs ang NAIA-IADITG matapos matuklasan ang kush marijuana
nang ito ay ma-x-ray scan at mainspect sa NAIA. Ang kontrabando ay pinadala ng taga-California, USA na si Nina Manua. Nakadeklarang na “musical instruments” ang parcel na naka-consign kay Dimitria Escalona
ng Barangay Dalipit East, Alitagtag, Batangas. Agad nagsagawa ng controlled delivery operation ang NAIA-IADITG kung saan inaresto ang dalawang suspek matapos tanggapin ang
kontrabando na naglalama ng 500 gramo ng kush marijuana. "The arrested persons obviously know where this high-grade marijuana comes from. Whether they cooperate or not, we are going after
their international and local sources. The PDEG has been relentless in its efforts and I commend them for helping us win the war against illegal drugs,” ani PGen Sinas.


Php 5.4M halaga ng Nubain drugs, nasamsam ng PNP-DEG

Umaabot sa 21,600 ampules ng “Nubain” ang nakumpiska sa isinagawang busy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Sangi Road,
Barangay Pajo, Lapu-lapu City, Cebu noong Enero 12, 2021. Arestado naman ang suspek na si Dioscoro Salimbot Colo alyas “Jet”, 33 taong gulang, isang Cargo Representative sa FCS
Cargo Services, at residente ng Barangay Badian, Purok 2, Cebu Province. Ayon kay PNP-DEG Director, Police Brigadier General Ronald Lee, ang nasabing iligal na droga
ay tinatayang nagkakahalaga ng Php5,400,000 na nagmula pa sa Pakistan at ipinadala sa Cebu sa pamamagitan ng local forwarding company.


Ang Nalbuphine Hydrochloride o Nubain ay kabilang sa mga ipinagbabawal na droga batay sa listahan ng Dangerous Drugs Board dahil na rin sa panganib na
dulot nito kapag inabuso. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Php 6.1M halaga ng marijuana
sa Benguet, sinunog

Sa pagtupad sa tagubilin ni PROCOR Regional Director, PBGen R’win S. Pagkalinawan na mas paigtingin ang paglipol sa marijuana sa mga lugar sa Cordillera, natuklasan ng Benguet Police Provincial Office ang apat na
plantation sites sa kanilang isang linggong operasyon ng pagwasak ng marijuana sa Benguet noong Enero 3-9, 2021. Sa ulat kay PBGen Pagkalinawan, sinabi ni PCol Ragay na mahigit kumulang sa 15,000
piraso ng mga nagsilaki ng tanim na marijuana at 25 kilo ng pinatuyong marijuana stalks na may tinatayang halaga ng Dangerous Drug Board (DDB) na Php6,110,000.00 ang natuklasan sa apat na sites ng
taniman sa Kibungan, Benguet. Noong Enero 3, 2021, sa Sitio Topinao sa Brgy. Madaymen, natuklasan ng mga operatiba ng Benguet Police Provincial Office ang mahigit kumulang 1,350 piraso ng mga nagsilaki ng tanim na marijuana
na pinatubo sa isang pampublikong lote na may tinatayang sukat ng lupa na 270 square meters. Ang mga nasabing tanim na marijuana ay may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na Php270,000.00. Samantalang noong Enero 4, 
2021, sa Sitio Mayangao sa Brgy.
Madaymen pa rin, natuklasan naman ng parehong mga nagsikilos na operatiba ang 10 kilo ng mga tuyong tangkay ng marijuana na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na Php1,200,000.00. Noong Enero 8, 2021, sa
magkahiwalay na operasyon sa Sitio Batangan ng Barangay Tacadang, natuklasan ng mga operatiba ang mahigit kumulang 6,000 piraso ng mga tanim na marijuana na pinatubo’t pinalaki
sa isang pampublikong lote na may tinatayang sukat ng lupa na 1,000 square meter at may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na Php 1,200,000.00. Sa sumunod na araw (Enero 9, 2021) natuklasan ng parehong mga operatiba ang
mahigit kumulang 8,200 piraso ng mga nagsiyabong na marijuana at 15 kilo ng mga tuyong tangkay ng marijuana na may tinatayang SDP na Php3,440,000.00 sa Sitio Lamagan din sa Barangay Tacadang.
Ang lahat ng natuklasang tanim na marijuana ay binunot at sinunog on-site. Nagdala lamang ng mga sampol para sa mga ebidensya ang mga operatiba . (PROCOR-PIO / NUP Loreto B. Concepcion)

 


Php 45K halaga ng shabu, nakumpiska sa Cam Sur

 

Arestado ang isang karpintero sa isinagawang buy-bust operation ng Nabua Municipal Police Station, 2nd Provincial Mobile Force Company at Camarines Sur
Police Provincial Office Provincial Intelligence Unit noong Enero 9, 2021 sa Barangay Topas Proper, Nabua, Camarines Sur. Kinilala ang suspek na si Gerry Serrano, 31 taong gulang, isang karpintero, at residente ng
Barangay Topas Proper, Nabua, Camarines. Narekober mula kay Serrano ang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at Php1,000 pesos na buy-bust money.
Ang pagkalap, imbentaryo, at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya ay ginawa sa presensya ng suspek at sinaksihan nina Domingo J. Oñido, Jr. ng Good Vibes Radio, Punong Barangay Cesar F. Petalio,
at Barangay Kagawad Lani F. Valenzuela. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

Back to Top